Sunday, December 14, 2008
Masaya Kaming Nagpapasalamat sa Inyo!
Kami po ay nagpapasalamat sa mga nanuod ng aming SaringHimig sa Himig ng Pasko Concert last Saturday December 13, 2008 sa loob ng Basilica Minore of the Immaculate Conception. Naging matagumpay po ito dahil sa inyo! Masaya po kami dahil nakita naming nakapagpasaya din kami. Nagpapasalamat kami sa Diyos na laging present sa lahat ng aming kanta. Kay Kuya Erick Torralba na hindi nagsasawang turuan kami araw-araw, kahit na may conflict sa sched nya. Kay Sir Mel Cruz na pangalawang ama na namin na laging nandyan upang sumuporta sa grupo. Kay Sir Suarez na bukas ang opisina para sa SaringHimig at laging handang tumulong! Kay Kuya Aries na hindi naubos ang pasensya sa pagtuturo ng sayaw.. hindi nga kaya naubos? At sa inyong lahat na bukas ang isipan at may appreciation sa aming passion. Maraming salamat po!
Nagsimula ang concert bandang 8:00PM. Sinimulan ito ng Philippine Anthem sa pamumuno ng SaringHimig President Ray Algernon Echaore. Sinundan ito ng panalangin sa pamumuno ni Mark De Vera kung saan sinabayan ito ng isang magandang interpretasyon ng SaringHimig Dancers.
Simbang Gabi
Pie Jesu (Karla Pilapil and Mara Tumale)
The Prayer (Karla Pilapil and Glen De Vera)
Go the Distance (Roy Echaore)
Take Me Out of the Dark (Aaron Manabat and Glen De Vera)
Our Father/I Believe (John Erick Reyes and Sir Erick Torralba)
Dance Number of SaringHimig Dancers
Trio (Mara Tumale, Karla Pilapil and Paulo De Vera)
O Come All Ye Faithful
Jingle Bells Calypso
Light of a Million Mornings (Karla Pilapil)
Christmas Medley (Raliech Lacorte, Analou Bautista)
Dance Number from SaringHimig Dancers
Isang Taong Lumipas (Roy Echaore)
Paskong Walang Hanggan
Mga Awiting Pamasko (Karla Pilapil, Glen De Vera)
Natapos ang concert ng mga 10:00PM. Masaya ang lahat!
Magkita-kita po tayo ulit sa aming susunod na pagtatanghal!
Maligayang Pasko po at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!
- Neil Felias SHVP08-09